
Bata pa man ako ay mahilig na talaga ako sa mga ballpen, notebooks, stickers at iba pang stationeries. Bumibili ako noon ng mga gel pen at mga decorative papers ngunit di ko naman nagagamit dahil sa mahal sila at nanghihinayang akong gamitin, at dahil sa pangit ang sulat ko. Hindi talaga maganda tingnan sulat ko. Ngunit mas nahilig ako sa stationeries nang madiskubre ko ang bullet journaling. Sobrang hilig ko na may roon akong limang pencil cases puno ng iba’t ibang klase ng panulat, pandikit, highlighters, at tatlong shoe boxes puno rin ng iba’t iba pang pambutingting at mga notebook, journals at diaries.
Narito ang ilan sa mga gamit ko.


Hindi pa yan ang lahat ng mayroon ako, pero yan lang dala ko sa kasalukuyan kaya sila lang ang nalitratuhan.
Sa nakaraang dalawang buwan mula nang magsimula akong magbujo, madami na akong nakolektang supplies. Sa totoo nga lang, hindi pa man kami nagsisimula ng fourth quarter ay excited na ako sa sunod na pasukan dahil mas dadami pa ang aking bujo supplies.
Subalit, kung gaano kalaki ang tuwa at saya na nararamdaman ko pag nagkakaroon ng mga ito ay ganoon din kalaki ang nagagastos ko para sa mga ito. ANG MAHAL NILA!!!! Hanep ubos ang allowance ko para sa buong buwan hahaha.
Simula nang mag bullet journal ako, nabago nang malaki ang wishlist ko. Dati ay puro kpop merchandise at make up and cosmetics ang laging laman ng wishlist ko. Ngayon ay puro notebooks, journals at pens na. Narito sa baba ang ilan sa mga nasa wishlist ko.








At itong mga journal na nagkakahalaga ng higit isanlibong piso bawat isa.




Photo credit: @leuchtturm1917 (instagram)
Leuchtturm1917, Tombow, Zebra Mildliner, mga brand na kilala sa pagiging de kalidad, at pagiging mahal. Pangarap ko ang mga iyan.
At ang mga lugar naman na ganito ang langit sa mga kapareho kong adik sa stationeries.





Maraming nagsasabi na hindi naman kailangan ng mamahaling supplies sa paggawa ng bujo. Sa akin lang ay mas naeengganyo akong magbujo pag maganda ang gamit ko. Haaaaaaaay. Itong adiksyon na ito ang nakakaubos ng pera ko. Ang magandang naidulot naman ng mga ito sa akin ay mas naeengganyo akong magsulat nang magsulat. Hindi na ako ngayon takot magsulat kahit pangit ang sulat ko dahil naeensayo ko ang pagsusulat ko. Nagaaral na rin ako ng paglelettering upang mas gumanda pa ang nilalaman ng bujo ko at para narin maganda tingnan ang sulat ko.
Mas makulay at madisenyo ang mga notes ko ngayon kumpara sa dati noong hindi ko pa nadidiskubre ang bujo. Dahil sa bujo, nabuhay ang mundo ko at mas napapakinabangan ko ang mga oras na wala naman akong ibang ginagawa kundi magpakabulok lang o nanonood ng walang saysay na videos.
Disclaimer: Dalawa lamang po sa mga litrato ang akin. Ang iba ay kinuha ko sa instagram at hindi ko pagmamay-ari. Salamat.
(*˘︶˘*).。.:*♡